Popular Links
Controller's Quick Links
Additional Quick Links
Other Resources
California Home
Tungkol sa UCP
MAAARING ISA KA SA MGA MILYONG-MILYONG MGA TAGA-CALIFORNIA NA PINAGKAKAUTANGAN NG ESTADO!
Ang Estado ng California ay kasalukuyang humahawak nang mahigit sa $5.1 bilyon na Hindi Inangkin na Ari-arian na pag-aari nang mahigit-kumulang na 8.2 milyon na mga indibidwal at organisasyon.
Nakakamtan ng Estado ang hindi inangkin na ari-arian sa pamamagitan ng Batas ng California para sa Hindi Inangkin na Ari-arian, na nag-aatas sa mga “mayhawak” kagaya ng mga korporasyon, asosasyon ng mga negosyo, institusyong pampinansiyal, at kompanya ng mga seguro upang mag-ulat taun-taon at ihatid ang ari-arian sa Opisina ng Kontroler matapos kung wala nang kontak mula sa konsumidor sa loob ng tatlong taon. Kadalasan nakakalimutan ng may-ari na may kuwentang umiiral, o lumipat at hindi nag-iwan ng address kung saan magpapadala o ang magpapadalang utos ay lumipas. Sa ilang mga kaso, ang may-ari ay namamatay at ang mga tagapagmana ay walang alam tungkol sa ari-arian.
Ang mga pinakakaraniwang tipo ng Hindi Inangkin na Ari-arian ay:
- Mga kuwenta sa bangko at laman ng kahong panligtas sa deposit
- Mga sapi, mutual fund, bono, at dibidendo
- Mga hindi ipinalit na tseke ng kahero o money order
- Mga sertipiko ng deposito
- Mga polisa ng seguro na maaari nang kuwartahin o tinigil na seguro
- Mga propyedad
- Mga interes sa mineral at kabayarang royalty, mga trust fund, at kuwentang escrow
Ang Batas ng California para sa Hindi Inangkin na Ari-arian ay HINDI kasama ang ari-arian na di-matinag.
Upang malaman kung anuman sa perang ito ay iyong pag-aaari, magsagawa ng paghahanap sa aming Unclaimed Property Database.
Ang batas sa Hindi Inangkin na Ari-arian ay ipinasa upang mahadlangan ang mga may hawak ng Hindi Inangkin na Ari-arian sa paggamit ng inyong pera at paglagay sa mga ito sa kanilang kita sa negosyo. Ang batas na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa Estado na isauli ang iyong pera at nagkakaloob sa mga mamamayan ng California ng isang pagkukuhanan, ang Opisina ng Kontroler ng Estado, upang matingnan ang Hindi Inangkin na Ari-arian na maaaring iniulat ng mga may hawak mula sa buong bansa.
Ang mga institusyong pang-negosyo at pampinansiyal (mga mayhawak) ay kinakailangang magpadala ng mga paunawa sa inyong pinakahuling address, upang sasabihan kayo na ang inyong kuwenta ay malilipat sa Kontroler ng Estado para maitago nang ligtas kung hindi ninyo sinabihan ang institusyon ng inyong intensiyon upang panatiliin ang inyong kuwenta. Kung hindi kayo makokontak ng institusyon, o kung hindi ninyo kinontak ang institusyon, ang inyong kuwenta ay maipapadala sa Estado. Ang Opisina ng Kontroler ng Estado ay magpapadala sa inyo ng paunawa na nagsasabi sa inyo tungkol sa inyong Hindi Inangkin na Ari-arian, kung makahanap ito ng mas bagong address sa pamamagitan ng paghambing ng inyong nakaulat na numero ng Social Security sa mga rekord ng Franchise Tax Board. Maglalathala ang Kontroler ng Estado ng paunawa sa mga diyaryo na may pangkalahatang sirkulasyon sa bawat county taun-taon upang pagbigyang-alam ang mga residente ng California na sila ay maaaring may hindi inangkin na ari-arian.
Maaaring kunin ng mga may-ari o tagapagmana ang kanilang ari-arian nang direkta mula sa Kontroler ng Estado na walang singil o bayad sa serbisyo. Gayunman, kung kayo ay kinakatawan ng tagahanap ng tagapagmana (na kinikilala ring imbestigador o tagahanap ng ari-arian), maaari kang singilin ng bayad na hindi lalampas sa 10 porsiyento ng halaga ng ari-arian, alinsunod sa Seksiyon 1582 ng Batas ng Hindi Inangkin na Ari-arian ng California.
Kung nag-iimprenta ng pormas na pag-angkin mula sa aming web site, sundan ang mga instruksiyon na ibinigay. Ang mga instruksiyon sa paghiling kabilang ang isang listahan ng dokumentasyon na inyong kailangang ibigay sa aming opisina kung naghaharap ng inyong pag-angkin. Lahat ng tipo ng pag-angkin ay karaniwang nangangailangan ng impormasyon kagaya ng:
- Isang kopya ng kasalukuyang pagkakakilanlan na may retrato para sa bawat umaangkin
- Isang kopya ng kard sa Social Security o isang numero ng pagkakakilanlan sa buwis para sa bawat umaangkin
- Beripikasyon ng nireport na address kung iba sa kasalukuyang address
- Ispesipikong dokumentasyon na may kaugnay sa tipo ng ari-arian, kagaya ng orihinal na passbook, tseke ng kahero, sertipiko ng sapi, atbp.
Ipakoreo ang nakumpletong pormas ng pag-angkin at mga dokumentasyon sa sumusunod na address:
P.O. Box 942850
Sacramento, CA 94250-5873
Kung matatanggap ng aming opisina ang iyong nakumpletong pormas ng pag-angkin, rerepasuhin namin ito nang mabuti. Kung ang ebidensiya ay hindi sapat upang mapatunayan na ikaw ang nagmaymay-ari, kokontakin kayo ng aming opisina o ibabalik ang lahat na mga dokumentong isinumite, na may kasamang sulat na nagsasaad kung bakit hindi kumpleto ang pag-angkin. Ang aming opisina ay inaatasan ng batas na gumawa ng pagpapasiya ng bayad ng lahat na mga pag-angkin sa loob ng 180 araw mula sa petsang natanggap ang pakete na kasama ang mga pansuportang dokumento.




